Search This Blog

Monday, January 10, 2011

Questions of Faith

Ba't ka nandyan sa faculty room?
May bagsak ka ba at kailangang manligaw?
'Di mo naman kailngang makipag-plastikan dyan eh
Bilhan mo nalang ng load o kaya'y libro
At sa sunod, ayusin mo na ang pag-aaral mo

Ba't mo kailangan ng bagong syota?
May motor o kotse ngunit uto-uto naman
'Di mo naman kailngan ng syotang perpekto eh
At pa'no kung kasing laki ng monggo ang utak nito?
Handa ka bang ipakilala sa magulang mo ang bobong to?

Ba't mo kailngang magsulat sa mga pader?
Ganyan kaba manligaw o magpakilala sa mga tao?
Eh pati sa mga mesa't silya nakita ko ang cel # mo
'Di mo naman kailangang magpasikat sa'min eh
Respetuhin mo nalang kaya ang sarili mo
Tulad ng pagrespeto sa'yo ng kokonting mga tao

Ba't mo kalingang pumasok sa fraternity?
Dahil ba naduduwag ka o may gustong patunayan?
Teka lang, 'san ka nga pala nung nagrambulan?
'Di mo naman kailangang magpaka-goons eh
Maging palakaibigan ka lang sa lahat
Sabayan mo na rin ng maganda mong kindat

Ba't mo pa kailangang magpakasosyal?
Pa ingles-inles ka pa wala ka namang alam
Nakita ko'ng kodigo mo gago, sumbong kaya kita kay ma'am
'Di mo naman kailangang magpakakonyo eh
Tanggalin ang maskara, humarap sa buong madla
Isigaw kung sino ka at 'wag tatanga-tanga

Ba't mo pa kailangang gumamit ng droga?
Sawa na ba sa buhay at nais ng mamatay?
Pera ng nagkanda-kuba mong magulang iyong nilustay
'Di mo naman kailangang magpakarebelde eh
Ayusin mo nalang ang buhay mo pare ko
Nang di matulad sa mga tambay sa kanto

Ba't ba kailngan ko pa kayong pagsabihan?
Manhid ba kayo o sadyang nagbibingi-bingihan?
Buhay n'yo ba'y mananatili na lang na ganyan?
'Di naman ako dapat mangialam pa eh
Dahil kuntento na ako sa kinalalagyan ko
Dito! Dito sa munting paraiso, kasama si San Pedro!

-pololop

No comments:

Post a Comment